Lapu Lapu

Tagalog Version / English Version

“Mayroong isang pulo na ang pangalan ay Mauthan [Maktan], na ang pinuno ay higit na itinatangi bilang batikan sa larangan ng pakikipaglaban, at siya ay mas makapangyarihan sa lahat ng kanyang mga kalapit-bayan …” – Sebastian del Cano, 1522

May limang daan taon na ang nakakaraan, dahil sa kagitingan ng isang tao, ang Espanya ay napilitang ipagpaliban ng halos 45 na taon ang kaniyang plano na sakupin ang ating bansa. Dahil dito, noon ay may dalawa pang henerasyon sa ating mga ninuno na nabuhay na malaya at hindi pasan ang pamato ng Espanya, salamat sa mandirigmang ito. Ang bayaning ito ay walang iba kung hindi ang magiting na si Lapulapu. Isa siya sa pinuno ng pulo ng Maktan sa Kabisayaan. Siya ang tumalo sa pangulo ng ekspedisyong Espanyol sa Timog Silangang Asya, ang Portuges na si Ferdinand Magellan. Nagapi ni Lapulapu at ng kanyang mga tauhan si Magellan sa Labanan sa Maktan noong Abril 1521.

Nauna rito, ang mga imperyo sa Timog Amerika na kinabibilangan ng mga Maya at Aztec ay madaling nangahulog sa kamay ng mga Espanyol na manlulupig. Dahil dito ay lalong umigting ang pagnanasa ng Espanya na palawakin ang kanyang kaharian. At bumaling ang kaniyang mga paningin sa Timog Silangang Asya. Unang huminto sa ating kapuluan ang armada ng Espanya sa pangunguna ni Magellan. Ngunit laking gulat nila ng matinding pagkabigo pala ang naghihintay sa kanila sa ating kapuluan. Kaya naman sa ating bansa ay ibang-iba ang naging karanasan ng mga Espanyol na manlulupig. Mula sa panahon ni Lapulapu at sa mga sumunod na dantaon, ang mga pag-aaklas ng ating mga ninuno ay isang tinik na hindi nawala sa tagiliran ng Espanya. Pagkalaon dahil sa divide-and-conquer (kung saan pinag-salpukan ang ating mga rehiyon laban sa bawat isa), ay nakamit din nila ang kontrol sa ating mga bayan na nasa baybay dagat at nasa mga kapatagan. Ngunit hindi lahat ay nasakop nila. Ang Sulu at Mindanao ay hindi talaga napasailalim sa Espanya. Sa Luzon at Kabisayaan ay hindi rin nalupig ang mga naninirahan sa mga kabundukan.

Labanan ng Maktan


Lapu Lapu PaintingAng alam natin tungkol kay Lapulapu ay galing halos lahat mula sa mga nakaligtas o doon sa mga saksi ng Labanan ng Maktan. Kahit sila ay pawang mga kaaway ni Lapulapu ay wala tayong makikitang pamimintas sa kanya sa mga sinulat nila. Bagkos, iyon lamang mga mahuhusay na katangian niya ang ating mababasa: ang kanyang liderato, tapang, husay sa labanan, at ang kanyang matuwid na mga prinsipyo.

Ang Labanan ng Maktan ay madaling makita bilang dinesenyo ni Lapulapu sa paraan na gusto niyang mangyari ang labanan. Sa pamamagitan ng psychological warfare, namaniobra niya si Magellan na sumugod noong kati ang dagat. Dahil dito, nabalewala ang mga artilerya sa mga barko ni Magellan dahil sa sobrang layo ng mga ito sa dalampasigan. Ang isa pang idinulot nito ay napilitang maglakad sila Magellan sa mababaw ng dagat na bakubako ang ilalim. Noong nakarating na rin sa wakas sila Magellan sa dalampasigan, umatake sila Lapulapu mula sa tatlong panig: sa harapan at sa dalawang tagiliran. Ang uri ng ganitong pagsalakay ang minimithi ng sino mang pinuno sa isang digmaan, at ito mismo ang nagawa ni Lapulapu. Ang mga kawal ni Lapulapu ay lumaban ng may kaayusan. Gamit ang kanilang mga bangkaw na kawayan na pinatigas ng apoy at mga palasong may lason, ang pinatamaan nila ay iyon lamang mga bahagi ng katawan ng kaaway na walang pananggalang. Ito ang sabi ng tagasulat ni Magellan na si Antonio Pigafetta, “Ang mga katutubo ay umasinta doon lamang sa mga binti namin, sapagkat ang mga ito ay lantad.”

 

Kampilan

Nakita din si Lapulapu ng kanyang mga kalaban na hindi lang magiting at mahusay sa taktika, ngunit isang tao din na may prinsipyo. Noong siya ay pinipilit na Battlemagpasailalim sa Hari ng Espanya at sa raha ng Cebu na si Humabon, hindi natinag si Lapulapu. Ang tugon niya [at si Pigafetta ang nagsasalita]: “Ang naging sagot nila ay kung mayroon daw tayong sibat ay mayroon naman silang mga bangkaw na kawayan at mga tulos na pinatigas ng apoy.” Sa pagkakatala ng sagot nila Lapulapu ay tunay nga na napakadaling mabanaag ang malalim na respeto at paghanga ng mismong mga kalaban ni Lapulapu. At noong ang mga Espanyol sa pamamagitan ni Humabon ay tinangkang suhulan si Lapulapu para makuha ang bangkay ni Magellan matapos ang labanan, ay ito ang tugon ni Lapulapu: “Hindi namin ibibigay ang katawan ng inyong pinuno kahit na kapalit ng lahat ng kayaman ng mundo, sapagkat ang kanyang katawan ang siyang katibayan ng aming tagumpay laban sa mga nagtangkang manghimasok sa aming lupain.” Muli ay hindi maitago ng tagasulat mismo ni Magellan ang kanyang paghanga kay Lapulapu.

Ang pagwawagi ni Lapulapu laban sa mga Espanyol ay ganap at tiyak. Kaya matapos ang Labanan ng Maktan ay binalak nila Humabon na lipulin ang mga Espanyol na kinampihan nila noong una. Matapos ang isa’t kalahating taon ay may nakabalik sa Espanya na nag-iisang barko sa armada ni Magellan. Ang kapitan nito ay si Sebastian del Cano. Noong naalala niya si Lapulapu ay ito ang nasambit niya: “Mayroong isang pulo na ang pangalan ay Mauthan [Maktan], na ang pinuno ay higit na itinatangi bilang batikan sa larangan ng pakikipaglaban, at siya ay mas makapangyarihan sa lahat ng kanyang mga kalapit-bayan … ”

 

Lapu-Lapu-Battle-of-Mactan-Bayaniart


N.B. – Ang planong pagsakop sa ating bansa ng mga Espanyol ay nakapagsimula noon na lamang 1565, sa Cebu, 44 na taon (dalawang henerasyon) matapos talunin ni Lapulapu si Magellan. Ang isang henerasyon ay karaniwang itinuturing na mula 20 hanggang 25 na taon. At ang paggapi ng mga Espanyol sa Maynila ay naganap pagkatapos na lamang ng isa pang henerasyon, noong 1588, noong sa wakas ay nabasag ng mga Espanyol ang Sabwatan ng Tondo sa pangunguna ni Raha Sulayman.

Author, Lorenz Lasco
> Check out some Lapu Lapu products


LapuLapu

English Version

“There was an island called Mauthan [Mactan], the king of which was greatly esteemed as a fine man in the arts of war and was more powerful than all his neighbors …” – Sebastian del Cano, 1522

Five hundred years ago through the valor of just one man, Spain was forced to postpone for about 45 years the plan to colonize our country. Thus, there once were two more generations of our forefathers who lived free from the yoke of Spain, thanks to this warrior. The hero is none other than the valiant Lapulapu. He was one of the chiefs of Mactan Island in the Visayas. He was responsible for defeating the head of the Spanish expedition to Southeast Asia, the Portuguese Ferdinand Magellan. Lapulapu and his men vanquished Magellan in the Battle of Mactan on April 1521.

Earlier, the South American empires of the Maya and the Aztecs quickly fell to the Spanish conquistadors. Greatly encouraged by easy successes, Spain subsequently set its sights on Southeast Asia. The first stop of the Spanish armada under Magellan was in our islands. Little did they know that they were in for a humiliating and crushing defeat. And so in our country the conquistadors’ experience was an entirely different story. From Lapulapu’s time and down through the centuries, resistance and revolts plagued Spain’s colonization of our country. Eventually through divide-and-conquer, Spain was able to control most of the coastal areas and lowlands. But not all of them. In the south in Mindanao and Sulu, these places were never really controlled by the Spaniards. In Luzon and in the Visayas, the highlands were likewise never controlled by the colonizers.

 

The Battle of Mactan

 What we know about Lapulapu was mostly written by those who survived or who had first hand info about the Battle of Mactan. In spite of being Lapulapu’s own enemies, their writings contain nothing negative about Lapulapu. Rather, it’s the noteworthy qualities about him that can be gleaned: his leadership, courage, tactical prowess, and his principles.

The Battle of Mactan can be easily seen as having been designed by Lapulapu the way he’d like to unfold it. Through psy-war, he was able to steer Magellan into attacking during low tide. This rendered the artillery in Magellan’s ships out of range, unable to support Magellan’s landing party. This also made Magellan and his men wade a long distance in the uneven reef flats. When Magellan finally got to the shore, Lapulapu attacked from three directions: front and flanks. This is a classic maneuver that every battle commander would dream of, and Lapulapu accomplished exactly this. Individually, Lapulapu’s men did not fight mindlessly; rather, they targeted with their fire-hardened bamboo spears and poisoned arrows the unprotected areas of Magellan’s men. As Magellan’s chronicler, Antonio Pigafetta, wrote, “The natives shot only at our legs, for the latter were bare.”

 

 

 

Kampilan Sword

 

Lapulapu was seen by his enemies not just as courageous and a good tactician, but as a principled man as well. When he was being forced to bow down to the King Battleof Spain and to the Cebu raja, Humabon, Lapulapu did not succumb to the threat. His answer was [Pigafetta speaking], “They replied that if we had lances they had lances of bamboo and stakes hardened with fire.” One can easily imagine the deep respects and admiration Magellan’s chroniclers had for Lapulapu, as they recorded Lapulapu’s defiant reply. And when the Spaniards through Humabon tried to ‘bribe’ Lapulapu into recovering Magellan’s body after the battle, Lapulapu’s principled answer was, “We will not give away the captain’s body for all the riches in the world, because his body is the trophy of our victory against invaders of our shore”. Once again, Magellan’s chronicler can not hide his admiration for Lapulapu.

The victory of Lapulapu over the Spaniards was surely decisive and overwhelming. Thus shortly after the Battle of Mactan, Humabon and his Cebuano allies plotted to exterminate the Spaniards whom they originally sided with. One and a half years later, only one ship of the armada was able to limp back to Spain. Sebastian del Cano, the ship’s captain, reminiscing about Lapulapu said: “There was an island called Mauthan [Mactan], the king of which was greatly esteemed as a fine man in the arts of war and was more powerful than all his neighbors …”

 

Lapu-Lapu-Battle-of-Mactan-Bayaniart

 

Note: The planned colonization of our country began in earnest only in 1565, in Cebu, 44 years (two generations) after Lapulapu defeated Magellan. One generation is commonly regarded as spanning 20 to 25 years. And the Spaniards’ subjugation of Manila happened only after one more generation, in 1588, only after the Tondo Alliance led by Rajah Sulayman was defeated by the Spaniards.

Author, Lorenz Lasco
Check out some Lapu Lapu products